Tingnan Ang Napakagandang Bahay Sa USA Nevada Ng Dating Sikat Na Child Star Na Si Nash Aguas

Marami sa atin ang nangangarap mag-artista, hindi lang para sumikat, pero dahil alam natin na malaking ang kitaan ng pera dito kumpara sa pagtatrabaho.

155

Marami sa atin ang nangangarap mag-artista, hindi lang para sumikat, pero dahil alam natin na malaking ang kitaan ng pera dito kumpara sa pagtatrabaho. Ngunit alam rin naman natin na hindi biro bago ka maging isang sikat na artista, dahil isa sa mga natatanging kailangan mo ay magandang mukha, at talento. Hindi naman kasi lahat nabiyayaan magkaroon ng dalawang ito. Pero syempre, swerte ang mga nakapasok sa showbiz industry dahil bukod sa kasikatan, malaki rin ang kanilang mga kinikita ng pera.

Maraming mga artista na kapag kumita ng malaki ay ginagastos agad sa kung anu-anong mga bagay. Pero may mga artistang piniling magpundar ng mga ari-arian at ang iba pa nga’y pagtatayo ng negosyo. Kapag menor de edad naman, kadalasan ay pinapahawak sa mga magulang ang kanilang kinikita sa pag-aartista. Mayroon namang mga batang artista na piniling magpundar ng mga ari-arian katulad ng bahay.

Katulad na lamang ng batang aktor at heartthrob na si Nash Aguas. Bata pa lamang si Nash ay laman na siya ng telebisyon. Sa kasalukuyan, isa siyang aktor, estudyante sa kolehiyo, isang negosyante at, real estate investor hindi lang sa ating bansa pati na rin sa ibang bansa. Sa katunayan, mayroon nang ari-arian si Nash Aguas sa Nevada sa Amerika. ibinahagi ng 20-taong gulang na aktor ang isa sa mga pinaka nakakatawang bahagi ng taong 2018 para sa kanya ay ang kanyang bagong bahay sa Nevada, USA.

“One of my 2018 highlights… Dati pangarap kong magkaroon ng bahay, ngayon eto na. :] Thank you kuya nicky, ate rina, mommy and mamang for helping me out mwah Thank you Lord (emoji). #Repost”. Kamakailan lamang ay pinasinayaan ni Nash ang kanyang sariling ramen restaurant. Kasama siya sa negosyo ay ang kanyang katrabaho dati sa Goin’ Bulilit na si Carl Barrameda. Matatagpuan ang kanilang restaurant na Muramen sa University Belt. Mahilig raw kasi siya sa Japanese food kung kaya’t ito ang naisip niyang gawing negosyo.

One year in the making [‘to], pinag-uusapan lang namin (pertaining to Carl) ‘to last year and hindi ako makapaniwala na ngayon opening day na namin. Pressured and at the same time excited.” “Kaya namin naisip na ito ‘yung i-business kasi ako since bata ramen fan talaga ako, so Japanese food fan, gyoza, beef gyudon, tonkatsu, karaage so hindi kami papayag na syempre hindi masarap product namin kasi kaming dalawa Japanese food lovers kami.”

“Actually matagal kaming hindi nagkita nito at hindi rin kami masyadong close nung bata pa kami kasi syempre malaki ‘yung (age) gap naming dalawa so nong nag-start na akong mag-direct sa ABS so nagkaroon sa Luv U, nagkaroon ng TV show, nagkaroon ng chance na don ako mapunta, so nagkaroon ng chance na maging close kami.”

Hindi raw close noon sina Carl at Nash kahit na magkasama sila sa Goin’ Bulilit. Ngunit naging mas close ang kanilang pagkakaibigan nang magkasama ulit sila sa programang Luv U.

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.