Nakilala si Ejay Falcon sa isang reality show bilang isa sa mga Housemate ni Kuya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus (PBB Teens) sa ABS-CBN. Itinanghal si Ejay Falcon bilang Big Winner sa nasabing reality show noong 2008.

Matapos nyang manalo bilang PBB Big Winner ni Ejay, bumukas ang maraming opurtunidad para kay Ejay nang masama sya sa isang star-studded ensembles ng Kapamilya Network na isa sya sa mga naging leading man ng mga iilang magagandang actress sa nasabing network.

Katulad nina Erich Gonzales, Ellen Adarna at Ritz Azul, nakasama din sya sa isang international scene ng Korean Drama series na “Where Stars Land”.

Masyadong maingat ang actor sa pag bahagi ng detalye ng kanyang lovelife sa harap ng kamera, kahit na na ilang beses na sya na-iugnay sa mga kilalang Filipina celebrities kasama na doon ang kanyang mga naging leading ladies.

Gayunpaman, kamakailan lamang ay nag simula ng ipakita ni Ejay sa publiko kung ano ang kanyang relationship status na halos nag-popost na din ito ng mga pictures sa kanyang official intagram account kasama ang kanyang mahal sa buhay.

Nagbigay ng pahiwatig ang actor sa kanyang naging relationship status sa kanyang naipost na picture sa social media account kasama ang kanyang girlfriend na si Jana Roxas na may caption na

“One of the greatest and most amazing blessings I’ve received this year is this woman right here. Thank you for loving me and syempre thanks sa celebration na hinanda mo for me, you made my 27th birthday extra special, I love you”.

Ang kanyang kasalukuyang girlfriend na si Jana ay isa sa mga naging kalahok ng GMA sa reality search na Starstruck noong 2005 ngunit hindi sya nakasama sa final round sa nasabing reality search.

Noong nakaraang birthday ni Ejay, nagpost din si Jana ng picture ni Ejay sa kanyang instagram account na may caption na

“You made me believe that I am worthy to be loved. You gave me light in my dim world. Now everything shines because of you. Maybe home is nothing but two arms holding you tight when you’re at your worst. If I had to live my life again, I’d find you sooner.”

Dagdag nya din dito “You are worth it. Happiest birthday to my best friend and my baby! Your heart is too beautiful for this world! I love you,”

Binahagi din ni Jana na sya at si Ejay ay nagsimula sa pagiging stranger sa isa’t isa bago sila pumasok sa isang relasyon.

Ang actor ngayon ay napaka bukas sa naging relasyon nila ni Jana at handa itong ipakita sa publiko kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Sa isang interbyu ng Kapamilya talk show na Tonight with Boy Abunda, ibinahagi naman ni Ejay kung paano sila nagkakilala ni Jana.

Nagsimula lamang daw ito sa mga common friends nila hanggang sa nakasama nila ang isa’ isa sa house warming party ni Jana.

Source: Ejay Falcon and Jana Roxas/Instagram

 

 

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.