Lahat tayo nangangarap na magkaroon ng isang perpektong summer house na kung saan pwede kang makapag-relax tuwing bakasyon habang may na-eenjoy kang magagandang tanawin.

Image courtesy: Anti-reality/Instagram

Gayunpaman, umaasa din tayo na maging praktikal na pwede din tayong makatipid sa makukunsumong kuryente. Isang kakaibang summer house naman ang nagawang disenyo para sa magandang atraksyon na pang display.

Ang nasabing bahay ay meron pool sa taas ng bubong na kung saan meron itong panoramic view sa iyong kapaligiran.Ang nasabing summer house ay dinisenyo ng Anti Reality, isang page na kung saan naghahayag ng magagandang sining at arkitektura.

Image courtesy: Anti-reality/Instagram

Ang nagawang disenyo ay mayroong concave roof na kapag titingnan mo ay merong napakalaking basin.Sa tag-araw, ang may ari ng bahay ay pwedeng punuin ng tubig ang bubong na agad-agad itong nagiging pool.

Sa paraang ito, pwede tayong makapag relax habang umiinom ng malamig na inumin at subaybayan ang magandang sunset sa dagat.Ayon sa Anti Reality, ang kanilang goal sa ginawang ‘summer house’ ay “to create reverse version of a roof that can be adapted as a swimming pool.”

Image courtesy: Anti-reality/Instagram

Sinasabi ng nag desinyo ng bahay na “the roof structure is supported by 3 cores, two of them are the kitchen and bathroom” na kung saan kasama ang mga drainage pipes.

“It’s very idealistic but there is a logic behind the concept” sabi nila.Ginawa ang summer house sa “rocky area with direct contact with water”. Sa paraang ito, mai-enjoy ng may ari ng bahay ang napakagandang panoramic view ng kanilang kapaligiran.

Image courtesy: Anti-reality/Instagram

Ang interior ng bahay ay napakasimple lamang at dahil meron na itong banyo, kusina at kwarto. Ang mga kwarto sa loob ay “open multi-functional space that serves among others as a living room and a dining room.”

Ang nasabing disenyo ay napaka pribado, gayunpaman, pinupunto din ng Anti Reality na ang ang ‘summer house’ ay ginawa para makiisa sa ating kapaligiran.“One of the key design intents was to create a building that would be completely open to the surroundings, providing the possibility to observe and engage in direct contact with nature.

The ‘summer house’ has been designed with seasonal recreation and weekends outside the city in mind” – sabi nila.

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.