Ang artistang si Joshua Garcia ay proud na proud na ibahagi ang kanyang karanasan na maregaluhan ng bagong bahay ang kanyang Ama, lalong-lalo na binayaran nya ito ng buong cash.

Noong nakaraan lamang, ipinablessing ni Joshua ang bago nilang bahay sa Quezon City. Kitang kita ang ganda ng 3 palapag na bahay, na halos kakagawa lang mismo noong nakaraang taon, at ngayong taon naman katatapos lang gawin ang mga muwebles ng bahay.

“Gift ko yun sa papa ko” sabi ng Star magic actor na si Joshua na proud na proud ibinahagi ang naging regalo nya sa kanyang ama.

Nandon ang halos lahat ng kaibigan at pamilya ni Joshua sa pag pa-blessing ng bahay, lalo na ang kanyang on-screen partner na si Julia Barretto.

“Okay naman siya. Ngayon, e, wala na masyadong ginagawa, kasi last time, nilalagyan ng parang mga bubong pa ganyan ‘tapos ginagawa pa mga table, mga cabinet, yung mga kulang. Ngayon, wala na masyadong ginagawa.” proud na pagkakasabi ng actor sa kanyang bagong bahay.

Inilihim muna ng aktor ang tunay na presyo kung magkano ang nagastos sa nagawang tatlong palapag na bahay sa kanyang Ina sa nasabing buong nabayaran, “Yung presyo, huwag na nating pag-usapan.” sabi ni Joshua

“Pero nabawi ko na iyon. Okay na ko do’n. Nabawi ko agad nung pagpasok pa lang ng taon kasi pumasok ‘yung tatlong endorsements,” dagdag nya.

“Kinash ko ‘yon.” pangiting sinabi ng aktor.

“Sa life ko, gusto ma-achieve, siyempre mabilhan ko ng bahay tatay ko, mabigyan ko siya ng negosyo, mabilhan ko ng bahay ‘yung sarili ko, mapagtapos ko yung ate ko, marami talaga.”

“Kailangan may goal ka para ginaganahan ka rin magtrabaho.” na halos tuwang tuwa na ibinabahagi ang kanyang naging karanasan sa pagkamit ng kanyang tagumpay sa buhay.

Ang 21 taong gulang na aktor ay nagbabalak din na magpagawa ng restaurant sa Manila na kung saan ay magseserve ito ng mga Batangueño specialties.

 

 

 

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.