Nauuso nanaman ang pagkakaroon ng sipon at ubo na may halong plema ngayong panahon ng tag-ulan dahil na rin sa iba’t ibang virus na ating nakukuha. Kaya kung madalas kayong magkaroon ng ubo at sipon, mas mainam na gumamit na lamang ng natural home remedy upang hindi masobrahan ang inyong kalusugan sa mga gamot na iniinom.
Ang mga home remedy na ito ay mas mabisa pa sa ano mang gamot dahil ito ang ginagamit ng ating mga lola at lolo noong hindi pa nauuso ang mga medications.
 
Narito ang 3 pinakamabisang pangtanggal ng sipon at ubo na may halong plema:
 
 
1. Uminom ng honey na may halong kalamansi
Ihalo lamang ang dalawang kutsarang honey sa isang basong tubig na may halong pinigang kalamansi. Iinumin ito tuwing gabi at tiyak na mabibigyan ito ng ginhawa sa inyong pakiramdam dahil ang honey ay mayroong analgeisc properties katulad nginyong iniinom na gamot. Nakakatulong din ito upang mawala ang bakterya na nagsanhi ng inyong ubo.
2. Uminom ng Pinakuluang Luya
Magpakulo ng luya at gawin itong parang tsaa at saka inumin tuwing gabi. Isa din itong napaka epektibong remeydo para sa ubo. Mayroon lamang itong kakaibang lasa na maaari mong haluan ng honey upang kaya itong inumin ng bata. Ang luya ay nakakatulong sa pagpapalabas ng plema sa lalamunan na siyang nakakapagdulot ng pangangati ng ating lalamunan.
 
3. Pagmumog ng asin at maligamgam na tubig
Ang remedyo na ito ay madalas din inirerekomenda ng mga doktor dahil isa itong panlaban sa mga bakterya na nasa loob ng ating lalamunan. Kung napapansin ninyo na madalas ng sumakit ang inyong lalamunan at tila ay malapit na kayong ubuhin, maghalo lamang ng isang kutsaritang asin sa maligamgam na tubig at imumog ito 3 beses sa isang araw. Tiyak na ilalabas nito ang mga bakterya sa ating bibig.

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.