May ilang tao ang hindi gustong kumain ng labanos dahil mayroon itong kakaibang amoy kapag niluto. Ngunit ang gulay na ito ay may dala palang napakaraming health benefits na makakatulong sa iyong kalusugan.
Kadalasan ipinangsasahog ang labanos sa mga ulam gaya ng sinigang o kaya na man ay isinasama sa mga vegetable salad. Kahit ano pang lutuin, dapat ay kumain ng labanos palagi dahil mayaman ito sa vitamin C, potassium, folic acid, calcium, iron, at fiber.
Narito ang mga medikal na benepisyong makukuha sa pagkain ng LABANOS:
 
1. Pampaganda ng digestion
 
Dahil ito ay mayaman sa fibers, ang pagsama ng labanos sa iyong salad ay nakakatulong para sa maayos na pagtunaw ng pagkain. Isinasaayos din nito ang water retention sa katawan.
2. Mabuti para sa puso
 
Isang content na tinataglay ng labanos ay ang flavonoids, isang kemikal na nagpapanatili sa kaayusan ng puso. Tinutulungan nitong ikontrol ang pagtaas ng dugo at pinapanatili ang maaayos na pagdaloy nito sa ating mga ugat.
3. Pangkontrol ng blood pressure
 
Ang labanos ay nagtataglay ng potassium, isang mineral na nakakatulong sa pagpapababa ng presyon lalo na kung ikaw ay may hypertension. Pinaniniwalaan din na ito ay mayroong cooling effect sa ating dugo.
4. Pampatibay ng resistensya
 
Dahil sa mataas na vitamin C content nito, mapoprotektahan ka sa mga common colds and cough at maimprove ang iyong immune system upang malabanan ang mga sakit. Ang regular na pagkonsumo nito ay nakakatulong sa pagkontrol ng mga harmful free radicals, implamasyon at maagang senyales ng pagtanda.
5. Pangontra sa dehydration
 
Mainam na kumain ng labanos lalo na kung mainit ang panahon dahil nakakatulong ito upang mapigilan ang dehydration dahil sa mataas na water content nito.
6. Mabuti para sa balat
 
Upang mapanatiling healthy ang iyong balat, subukang kunin ang katas ng labanos dahil ito ay mayaman sa vitamin C, nakakatulong ito na maiwasan ang panunuyo ng balat at pagkakaroon ng mga acne at rashes.
7. Maganda para sa buhok
 
Iblender ang labanos hanggang makagawa ng paste. Ipahid ang nagawang paste sa iyong buhok upang matanggal ang balakubak, maiwasan ang pagkalagas ng buhok, at mapatibay ang roots.
8. Para may almoranas
 
Ang almoranas ay ang pamamaga ng mga ugat sa iyong puwet na sumasakit kapag umiire at nagdudumi. Upang maiwasan ang matinding pag-ire kapag magdudumi ay kailangan mong kumain ng pagkain gaya ng labanos na mayaman sa fiber. Nakakatulong din ang katas nito na linisin ang loob ng ating katawan.
9. Para sa lagnat
 
Dahil ang labanos ay may cooling effect sa katawan, makakatulong ito sa mga taong may lagnat. Mapapabilis din ang paglabas ng iyong ihi na nakakatulong upang bumaba ang temperatura ng iyong katawan.
10. Pangdetoxify ng katawan
 
Ang labanos ay isa ring mabisang detoxifier para sa katawan. Kaya nitong i-purify ang iyong dugo at alisin ang mga toxins dito. Ayon sa mga research, epektibo rin ito sa mga taong may jaundice o ang paninilaw ng mata at balat dahil sa kakayahan nitong tanggalin ang bilirubin sa katawan.

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.