Sa panahon ngayon karamihan sa mga babae ay praktikal na. Marahil ay madalas niyo ring madinig ang mga katagang “aanhin mo naman ang pagmamahal kung wala naman kayong makain!”. Maraming mga tao ang kadalasang nagiging mapanghusga sa ganitong mga sitwasyon kung saan mas pinipili ng isang babae o lalaki ang kanilang minamahal na hindi nila kapantay sa antas ng lipunan, mas may magandang pigura ng katawan, may mas magandang hitsura, o di kaya naman ay mayroong mas mababang sahod sa kanila.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang isang magandang modelo na mas pinili ang isang drayber kaysa sa mga mayayaman niyang manliligaw.


Napamangha ang marami sa 22 taong gulang na modelong ito na nagngangalang Jubjang Nutchanart Chaichan nang pillin niyang mahalin at maging nobyo ang 25 taong gulang na si Wutthichai Saeng-ngern, isang “motor taxi driver”. Pinost ng modelo ang kanilang larawan bilang patunay na hindi siya nagsisisi at hindi niya kinakahiya ang kanyang minamahal.


Ayon sa mga ulat ang binata ay kumikita lamang ng 15,000 o halagang $460 dolyar lamang. Sadyang maliit kumpara sa kinikita ng isang modelo na hindi naman naging problema sa magkasintahan sa limang nilang pagiging magkarelasyon.


Ayon pa sa modelo, hindi niya ikinahihiya na isang drayber ang kanyang minamahal bagkus siya ay labis na napamahal dito dahil siya ay likas na matapat. Bagamat labis na nag-aalala ang mga netizens na maging “bread winner” siya sa kanyang magiging asawa at mga anak hindi naman ito malaking bagay sa modelo.


Patunay ito na hindi lamang salapi o materyal na bagay ang mahalaga sa ilang indibidwal lalo’t higit ang pag-ibig na nararamdaman nito sa kanyang minamahal at ang kinabukasang naghihintay sa kanilang dalawa at sa pamilyang kanilang binubuo.

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.