Normal sa isang magkasintahan ang magkaroon ng bangayan o tampuhan pero siyempre dapat agad itong nareresolba para hindi na humaba. Hindi na maiiwasan ito para sa mga magkasintahan. Pero minsan, ang tampuhan ay umaabot ng mahabang panahon. Kailangan rin ng panahon para maghilom ang mga kasalanang nagawa ng magkasintahan sa isa’t-isa, importante rin ito para makapag nilay nilay sila.

 

Pero paano nga ba nagkakabati ang mga magkasintahan? Sa ngayong panahon, madali na lamang magkaayos ang mga magkasintahan lalo na ang mga kabataan dahil sa social media. Ang dating liham ay isang chat na lamang ngayon. Pero mabuti na lamang at hindi ganito ang nangyari nang panahon ng kanilang pag-iibigan bilang mag syota nina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Binahagi ni Melai sa isang segment ng Magandang Buhay ang lugar kung saan nagkabati sila ni Jason. Dinala niya sina Jolina Magdangal at Karla Estrada sa lugar kung saan nagkaayos sina Melai at Jason.

Isang magandang hardin ang pinuntahan nila na hitik na hitik sa berdeng kulay at napakagandang tanawin. Tinanong naman nina Karla at Jolina kung bakit ito ang napiling lugar nina Melai at Jason para mag-usap at magkabati. Sinabi ni Melai na mahilig raw kasi si Jason sa mga magagandang tanawin kung kaya’t dito nila naisipang mag-usap. Mas maganda rin raw kasing ang ambiance kaya mas makapag-usap sila ng maayos.

Sa katunayan, tinuro pa ni Melai kina Karla at Jolina ang punong inakyat noon ni Jason. Maliban pa sa napakalaki na hardin at tanawin, tila isang park rin ang datingan ng lugar dahil may mga upuan ito kung saan pwede kang magpahinga at magpahangin.

Pinakita rin ni Melai kina Jolina at Karla ang mukha ni General Santos. Singkit raw ito at pinakagwapo. Hindi nga napigilan ni Melai na mapakanta ng “Chinito” ni Yeng Constantino na siya namang ikinatuwa ng dalawa niyang kasama. Makikita rin sa hardin ang mga Koi fish na siyang ikinatuwa nina Melai, Jolina at Karla.

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.