Ang buhay ay isang gulong ng palad, ika nga. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nalugmok, may araw na darating para makaahon kang muli. Sa mga pagkakataong akala mo’y binagsakan ka ng langit at lupa, huwag kang mawalan ng pag-asa dahil may darating at darating na biyaya sa’yo nang hindi mo inaasahan.

 

Katulad na lamang ni Mang Andoy na matapos lampasuhin ng bagyong Yolanda ang kanilang pamilya ay iniwan pa ng kaniyang asawa. Naiwan sa kanyang pangangalaga ng kanyang dalawang anak. Mahirap lamang si Mang Andoy at tanging pangingisda lamang ang kaniyang hanapbuhay. Araw-araw siyang pumapalibot para maya ipakain sa kanyang dalawang anak. Sa sobrang hirap ng kanyang buhay, kinailangan niyang ibenta ang kaniyang natatanging ari-arian, ang kanyang bahay.

Pero lingid sa kanyang kaalaman, ang pangingisda pala ang nakapagpabago ng kanyang buhay. Sa kaniyang pangingisda, nakakita si Mang Andoy ng isang malaking perlas sa ilalim ng dagat. Bagama’t normal na ang perlas sa kanya, hindi raw ito pangkaraniwang perlas dahil napakalaki nito.

Alam niya ring malaki ang halaga ng mga perlas kung kaya’t kahit may bigat na 8 kilo, ginawa niya ang lahat para lamang maiahon ito.
Wala sa kanilang lugar ang makapagsasabi kung gaano kalaki ang halaga ng perlas kung kaya’t nangalap siya ng pera para makapunta sa kamaynilaan para dito ipasuri ang perlas na nakita.

Habang nasa Maynila, kinailangan nilang matulog sa Rizal Park dahil wala silang matutuluyan doon at wala naman silang kamag-anak doon.
Mabuti na lamang at nakita sila ng grupo ni Jessica Soho at natulungan siya para maipasuri ang perlas. Totoo ang perlas na kanilang nadiskubre at maaaring malaki ang halaga nito.

Ngunit may isang pagsubok na kinakaharap si Mang Andoy, walang tao o kompanya ang may nais na bilhin ang ganoon kalaking perlas. Kailangan niyang buwagin ito sa maliit na piraso para ibenta sa iba’t-ibang alahero.
Kaya naman kumakatok si Mang Andoy sa mga tao na kung maaari ay bilhin ang kaniyang perlas para magbago ang buhay nila ng kanyang mga anak. Malaking tulong ito para makabangong muli ang kanyang pamilya.

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.