Alam naman natin kung paraan saan ang TOOTHPASTE. Bukod sa ginagamit natin ito sa pang araw-araw upang linisin ang ating ngipin, alam niyo ba na mayroon pa palang napakaraming pwedeng paggamitan dito?

Narito at alamin ang mga kakaibang gamit ng toothpaste na maaaring makatulong sa iyong pang araw araw na gawain!
1. Panlinis ng sapatos
 
Kung namomroblema ka kung paano paputiin ang iyong sapatos sa kakaunting oras, kumuha ka lamang ng isang lumang toothbrush at saka puting toothpaste. Ibrush ito sa iyong maruming sapatos saka punasan o banlawan. Mabilis na lilinis ang iyong sapatos lalo na kung ito ay leather o rubber.
2. Pantanggal o pambura sa mga marka na crayons o sulat sa dingding
 
Kung ang iyong anak ay sinulatan o drinowingan ang inyong mga dingding o furniture gamit ang crayola, huwag ng mag-alala dahil maaari mo itong matanggal in no time! Kumuha lang ng toothpaste, ilagay sa isang basahan at ito ang ipambura sa mga pinagsulatan ng crayola!
3. Panlinis sa plantsa
 
Sa katagalang paggamit ng inyong mga plantsa ay nagkakaroon ito ng pangingitim o brown stains sa ibaba. Upang maiwasang madumihan ang inyong mga damit, tanggalin ang mga stains na ito sa inyong plantsa gamit lamang ang toothpaste. I-iscrub lamang ito at punasan ng tuyong basahan.
4. Panlinis ng silver na alahas o mga kutsara/tinidor
 
Sa katagalang paggamit, dumudumi at nangingitim ang mga gamit na gawa sa silver gaya ng mga alahas at kubyertos. Upang mabalik ang kintab ng mga ito, ibrush at ipanglinis lamang ang toothpaste.
5. Pampatuyo ng tighyawat
 
Pinoproblema mo ba ang namumulang tighyawat? Pagkatapos hugasan ang mukha, maglagay ng konting toothpaste sa iyong tighyawat sa loob ng 15-30 minutos. Mapapansin na magtutuyo ito kaagad at mababawasan ang pamumula kinabukasan.
6. Pantanggal sa masangsang na amoy
 
Kung ikaw humawak ng isang masangsang na amoy na bagay gaya ng sibuyas o bawang, hugasan lamang ang kamay gamit ang toothpaste. Gawin itong parang sabon upang matanggal ang masangsang na amoy na dumikit sa iyong mga kamay.
7. Panlinis sa mga kuko
 
Dahil panglinis ang toothpaste sa ating ngipin, pwedeng pwede ring itong gawing panlinis sa ating mga kuko. Ibrush ang toothpaste sa iyong mga kuko upang ma-exfoliate ang mga ito at maging shiny muli.
8. Pantanggal ng mantsa sa inyong carpet
 
Kung namomroblema ka kung paano tanggaling ang mantsa sa inyong carpet o rug nang hindi nilalabhan ito ng buo, narito na ang solusyon! Ispread lamang ang toothpaste sa mantsa at saka kuskusin ito ng basahan. Dampiin ng tuyong basahan pagkatapos upang matuyo.

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.