Marami ang Aliw na Aliw sa Ka-kyutan ng Baby Girl ng Aktres na si Beauty Gonzales

Ang pagiging Ina at pagkakaroon ng anak ang isa sa pinakamasayang pagkakataon sa buhay ng isang babae.

288

Ang pagiging Ina at pagkakaroon ng anak ang isa sa pinakamasayang pagkakataon sa buhay ng isang babae. Mahirap man ang pagbubuntis at panganganak, kapag nakita mo naman ang mga ngiti ng iyong anak ay siguradong mabubura lahat ng pagod mo sa pag-aalaga sa kanya. Ganito madalas bigyan ng kahulugan ng mga tao ang pagiging isang Ina.

Kilala ng karamihan si Beauty Gonzales bilang isang magaling na artista. Kasalukuyan siyang gumaganap bilang si Romina sa isang palabas ng ABS-CBN na pinamagatang Kadenang Ginto. Isang mabuting ina ang ginagampanang role ni Beauty sa nasabing palabas.

Bukod sa pagiging busy sa kanyang showbiz career, naging buhay na din ni Beauty aang pag-alaga sa kanyang lumalaking anak. Simula maliit pa lamang ang kanyang anak na babae ay siya na ang nag-aalaga dito. Natutuwa siyang makita kung paano lumalaki at natuto ang kanyang anak na si Olivia Inez.

Ayon kay Beauty, maliban sa kanyang trabaho sa showbiz, ang pagiging ina ang isa sa mga ikinakatuwa niya na nagyari sa buhay niya. Sa isang interview sa kanya ni Boy Abunda, sinabi niyang malaki ang ipinagbago ng kanyang buhay simula ng siya ay maging isang ina.

Si Olivia Ines ang naging sentro ng buhay ni Beauty at kahit na nagtatrabaho siya ay sinisigurado niyang meron siyang oras para sa kanyang anak. “Totoo nga yung sabi nila na nakakatanggal talaga ng pagod ang mga bata”, sabi pa ni Beauty.

Dahil sa kanyang tuwa sa kanyang baby girl, madalas ibahagi ni Beauty ang mga larawan ng kanyang anak sa kanyang Instagram account. Masaya siyang nakikita na natutuwa ang mga fans niya sa larawan ng kanyang anak. Maraming netizens ang nakukyutan kay Olivia at gigil na gigil sa baby girl na ito.

Marami sa mga netizens ang nagsasabi na kamukhang-kamukha ni Beauty ang kanyang anak at sana daw ay masundan na ito ng isa pa. Samantalang ayaw pa muna ni Beauty na magkaroon ng isa pang anak dahil gusto niya na sulitin ang panahon niya kasama ang kanyang asawa na si Norman at si Olivia.

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.