Kilalanin Ang Napakagandang Transgendered Na Kapatid Ng Aktor Na Si Gab Eigenman

Unti-unti nang nagkakaroon ng pagkilala ang mga miyembro ng LGBTQ+ sa ating komunidad dahil na rin sa pagbabago ng mga tao. Dahil dito, mas malalaman natin ang kanilang importansya sa ating lipunan…

496

Unti-unti nang nagkakaroon ng pagkilala ang mga miyembro ng LGBTQ+ sa ating komunidad dahil na rin sa pagbabago ng mga tao. Dahil dito, mas malalaman natin ang kanilang importansya sa ating lipunan at ang kanilang kahalagahan sa pag-unlad at paghubog ng ating komunidad. Marami na rin ang mga taong nagsisilabasan sa kanilang mga tagong pagkatao para ipahayag sa buong mundo ang kanilang tunay na kasarian.



Katulad na lamang ni Kylie Celebre na nagmula sa angkan ng mga Gil-Eigenmann na kilala na bilang isa sa mga pinaka prominenteng pamilya sa showbiz industry. Pawang mga artista ang mag-asawang sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil kung saan mayroon silang tatlong mga anak na sina Mark Gil, Michael de Mesa, Cherie Gil.

Katulad ng kanilang mga magulang, pawang naging mga kilalang artista ang tatlo na gumawa ng kani-kanilang mga pangalan sa industriya.
Pawang mga artista rin ang mga anak ni Mark Gil na si Gabby Eigenmann, Sid Lucero, at Andi Eigenmann. Ama naman si Michael de Mesa sa dalawang lalaki na sina Ryan at Geoff Eigenmann.

Isa sa mga naging asawa ni Mark Gil ay ang dating aktres na si Irene Celebre kung saan nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Gabby at Ira. Sa katunayan, isa nang artista si Gabby ngayon sa GMA Network.

Pero lingid sa kaalaman ng lahat, ang kapatid sa labas ni Gabby ay gumagawa rin ng kanyang sariling pangalan sa industriya. Ngunit hindi ito ang nakakagulat, ang half-sister ni Gab ay isang transgender woman, isang vlogger at make-up artist, siya si Kylie Cebre na namamayagpag ngayon sa kanyang social media accounts lalong-lalo na sa YouTube at Instagram.

Nitong nakaraan lamang, nalamang isa si Kylie sa mga personalidad na makakasama sa isang sikat na shampoo commercial. Kasama niya sa commercial si Kevin balot, ang Miss International Queen 2012. “THE SECRET IS OUT! I have been keeping this from everyone for so long, and I’m happy to show you guys my first ever commercial as MYSELF. I have been faking my way since I was younger acting like a boy in commercial and now I’m proud who I am…

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.