Kilalanin Ang Mga Artistang Piniling Iwan Ang Showbiz At Magkaroon Ng Normal Na Trabaho Sa Likod Ng Camera

Hindi lahat ng artista ay nananatiling maging artista o nananatili sa industriya habang buhay. Ang ilan sa kanila ay piniling lisanin ang kasikatan para magkaroon ng normal na trabaho at ang iba na…

598

Narito ang ilan sa mga dating artista na may ibat-ibang trabaho na ngayon.

1. Kim delos Santos

Taong 90s nang maging sikat si Kim delos Santos matapos maging parte ng sikat na palabas na TGIS (Thank God Its Sabado). Maliban sa pagganap niya bilang si Tere Gonzaga sa TGIS, lumabas din si Kim sa mga pelikulang Ikaw Lamang at Annakarenina. Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho siya New Jersey, USA bilang isang dialysis nurse.

2. Bettina Carlos

Nagsimula ang karera ni Bettina sa GMA Network bilang isang contract artist at kalaunay lumipat sa ABS-CBN. Noong taong 2012, naisipan niyang bumalik ulit sa GMA. Gumanap si Bettina bilang Izel Guison sa pelikulang Yagit bilang isang kontrabida. Gumanap rin siya bilang kontrabida sa ibang mga palabas katulad ng Sa Piling ni Nanay at Because of You. Dati rin siyang host ng Idol sa Kusina at ngayoy isa nang columnist sa Manila Times. Nagmamay-ari rin siya ng Baked Bites by ABC.

3. CJ Muere

Graduate si CJ ng Star Struck Season 2. Nakapasok siya sa Final 4 kasama sina LJ Reyes, Ryza Cenon at Mike Tan at naging runner-up. Sa kasalukuyan ay lisensyadong dentista na si CJ.

4. Serena Dalrymple

Nadiskubre ang dating child star matapos siyang lumabas sa isang Jollibee commercial kasama si Aga Muhlach. Manager at procurement COE na ngayon sa isang media company na Viacom sa US si Serena.

5. Goyong

Ang dating child actor at runner-up ng Thats My Boy noong 1998 na si Steven Claude Goyong ay mas kilala bilang Goyong. Nagtapos siya sa Uiversity of Sto. Tomas at ngayoy isa nang floor director sa Eat Bulaga.

6. Chantal Umali

Nakuha ni Chantal ang atensyon ng lahat nang lumabas siya sa pamosong commercial ng Purefoods Tender Juicy Hotdog na Goodbye, Carlo. Sa ngayon ay kasal na si Chantal at nagtatrabaho bilang isang yoga instructor.

7. RR Herrera

Dating award-winning na child star, nagtapos si RR ng kursong Communications Technology sa Ateneo de Manila University. Siya ang kasalukuyang regional director ng TrainStation.

8. LA Lopez

Si Lyle Areanne Lopez ay isang aktor at mananawit. Nakilala at nadiskubre si LA ng yumaong komedyante na si Dolphy Quizon nang lumaban siya sa Thats My Boy. Nagsimula ang kaniyang karera bilang isang child actor sa palabas na Eh Kasi Bata at nagkamit ng napakaraming Awit awards bilang isang batang mananawit. Si LA ay isang born-again Christian at ang kasalukuyang head pastor at worship leader sa Abundant Harvest Fellowship Philippines, isang simbahan sa Crescent Cit, Florida sa Quezon City.

9. Princess Punzalan

Si Bernadette Vela Punzan ay ang nanalo bilang PMPC Star Awards for TVs Best Drama Actress noong 1998 dahil sa kaniyang pagganap bilang si Selina Perreira-Matias sa pelikulang Mula sa Puso. Matatandaang kinasal noon si Princess sa TV Host na si Willie Revillame. Pumunta si Princess sa California noong 2005 at piniling manirahan doon. Kinasal siya sa isang American marketing professional at nagtatrabaho bilang isang registered nurse.

10. January Isaac “Lumen”

Si January Isaac o mas kilala na Lumen ay sumikat dahil sa isang komersiyal na Surf. Iniwan ni lumen ang pag-aartista at itinuloy ang buhay bilang Front End Lead sa isang outdoor equipment store sa Cabella.

11. Don Laurel

Si Don Laurel ay isang dating aktor na ngayoy isa nang police officer sa Toronto, Canada.

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.