p>Napakaraming mga artista ngayon ang hindi na mahagilap dahil sa sobrang dami nilang ginagawa sa buhay nila. Dahil sa dami ng proyekto, pelikula at programa, hindi na rin sila nagkaroon ng oras para sa kanilang pamilya at sa kanilang sarili. Kaya kung may mga libre silang oras, sinisigurado nilang makakasama nila ang kanilang mga mahal sa buhay.

 

Marahil ito ang naramdaman ni John Lloyd Cruz kung kaya’t umalis muna siya sa silaw ng kamera at sa harap ng telebisyon. Sa kabila ng kanyang pagtuturo at pagnanais na mamuhay ng tahimik, may mga tao pa rin talagang handang makita siya at iniidolo pa rin siya.

Isa na rito si Lola Vicenta na nitong nakaraang Abril 5 ay nagdiwang ng kanyang ika-90 taong kaarawan na ginanap sa Cebu Grand Convention Center. Ayon sa apo ni Lola Vicenta na si Shing, matagal na raw talagang iniidolo ni Lola Vicenta si John Lloyd. Sa katunayan, kumpleto araw ang mga DVD nito ng lahat ng pelikula ni John Lloyd Cruz.

Para sa kanyang kaarawan, hiniling ni Shing, kapatid ng bayaw ni Ellen na si Kim, na magkaroon ng video greeting ang aktor para kay Lola Vicenta para sa kaarawan nito. Ngunit matapos na magpasalamat si Lola Vicenta sa lahat ng dumalo sa kanyang kaarawan ay bigla na lamang raw lumabas si John Lloyd at dumiretso sa upuan ni Lola Vicenta.

Niyakap at hinalikan agad ni John Lloyd si Lola Vicenta na tuwang-tuwa naman sa kilig na nadarama niya. Hindi raw lubos akalain ni Shing at pati ni Lola Vicenta na may ganoong supresang inihanda si John Lloyd para sa may kaarawan.

Isa lamang itong patunay na sa kabila ng paglisan ni John Lloyd sa showbiz, hindi pa rin talaga nawawala ang kaniyang karisma lalo na sa kanyang mga taga-suporta tagahanga. Nitong kamakailan ay kumalat ang balitang babalik na raw si John Lloyd sa telebisyon.
Sa ngayon ay masaya silang namumuhay kasama ang kanyang asawang si Ellen Adarna at anak na si Elias Modesto.

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.