Ika nga nila “There’s no place like home”. Ganito ang naramdaman ni Jinkee Pacquiao, asawa ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao nang makauwi ulit sila sa General Santos City. Hindi lingid sa atin na maraming bahay ang mag-asawa sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas at ganoon na rin sa ibang bansa ngunit para kay Jinkee, iba pa rin ang saya na kaniyang nararamdaman sa tuwing uuwi siya sa pinaka-unang bahay na naipundar nila ni Manny.

(courtesy:instagram.com/jinkeepacquiao)

Ang ilang parte ng naturang bahay ay una ng ipinasulyap sa publiko ng mag-asawa noong nag-uumpisa pa lamang si Manny sa kanyang Boxing career. Sa kasalukuyan ay madalang nalang nila itong mabisita dahil madalas ay nasa Manila ang pamilya Pacquiao o di kaya naman ay nasa labas sila ng bansa.

Ayon nga sa post ni Jinkee sa kaniyang Instagram account habang ipinapakita ang labas ng kanilang bahay, anim na buwan na rin ang nakalipas nang huli niyang bisitahin ang bahay sa General Santos City.

(courtesy:instagram.com/jinkeepacquiao)

Ang nasabing pagbisita sa bahay nila sa probinsiya ay nangyari noong April 12 taong kasalukuyan at makikita sa mga sumunod na larawan na sinulit ni Jinkee ang kaniyang pamamalagi sa lugar. Naghanda din siya ng napakasarap na pananghalian at ang mga putahing kaniyang niluto ay yung madalas nilang kainin sa probinsiya kagaya na lamang ng ginataang isda na may malunggay at piniritong isda. Kilala rin kasi ang probinsiya ng Gen San sa pagkakaroon nito ng maraming preskong laman-dagat.

(courtesy:instagram.com/jinkeepacquiao)
(courtesy:instagram.com/jinkeepacquiao)

Makikita rin sa mga larawang ibinahagi ni Jinkee na simple ngunit elegante ang mga furnitures na kaniyang pinili para sa kanilang munting hardin sa likod ng bahay kung saan siya madalas nagpapalipas ng oras at nagrerelax. Binisita rin niya ang bahay ng kaniyang mga magulang sa GenSan.

(courtesy:instagram.com/jinkeepacquiao)
(courtesy:instagram.com/jinkeepacquiao)

Kagaya ng inaasahan, maraming netizens at fans ni Jinkee Pacquiao ang tuwang-tuwa sa pagbabalik niya sa lugar kung saan sila nagmula at nag-umpisang mangarap kasama ang asawang si Manny. Naging inspirasyon din sa karamihan si Jinkee na sa kabila ng tinatamasang karangyaan sa buhay ay nanatiling mapagpakumbaba at matulungin sa kapwa.

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.