Si Julia Montes ay isa sa mga kilalang aktres na mayroong hindi makakalimutang ginampanan sa industriya ng showbiz.

Noong nag sisimula pa lamang si Julia, nakitaan agad ito ng potential na kung saan nakuha nya ang atensyon ng karamihan dahil taglay nitong galing sa pag arte.

Nakilala si Julia ng karamihan bilang Clara sa palabas na “Mara Clara” na kung saan kasama nya dito ang kilalang aktres na si Kathryn Bernardo noong 2010.

Matapos ang nasabing programa, dumating kay Julia ang sunod sunod na project na kung saan itinuturing nya itong malaking biyaya.

Isa sa mga tumatak na proyekto ni Julia sa ABS-CBN ay mula nung itinambal sya kay Coco Martin, isa sa mga magagaling na actor sa industriya.

Matapos ang proyekto nya kasama si Coco, nag simula at kumalat ang mga sabi sabi na si Julia at Coco ay may relasyon sa isa’t isa, pero ni-isa sa kanila ay walang umamin sa publiko at hinayaan na lamang ang isyu.

Noong umalis si Julia sa Pilipinas para pumunta ng Germany, mas dumami ang mga sabi sabi at nadagdagan pa na nabuntis daw ang aktres.

Ayon sa balita, ibinahagi ni Julia sa social media na kumakakailan lamang, nakilala at nakita nya ang kanyang ama sa unang pagkakataon na naging rason nya ng paglipad sa bansang Germany.

“Every Europe trip mapa show or shooting sa ibang bansa lagi kong iniisip kalian ko kaya makikilala ang papa ko… Nanalig at naniwala lang ako na kapag para sa akin ibibigay yun nga Diyos sa oras nya.. Ngayon lagi ko na syang kasama samantalang pinangrap ko lang Makita at makilala ang papa ko noon” pahayag ni Julia sa isang litratong naka post sa social Media habang kasama nya ang kanyang Ama.

Gayunpaman, hindi tumigil ang mga isyu at sabi sabi sa sinasabing biglaang pag-buntis ng aktres kay Coco na naging dahilan daw ng biglaan nyang pag alis sa showbiz.

Pero base sa pinaka bagong Instagram update ni Julia, kitang kita sa mga litrato kung gaano kasaya ang aktres kasama ang kanyang ama sa Germany.

Ang kanyang post noong December 2018 noon lamang pasko ay kasama nya ang mga kamag anak nya na nasa abroad, meron din syang mga litrato kasama ang kanyang aso kasama ang kanyang tita habang naglalakad palibot sa kanilang bakuran.

Pagkatapos nun, wala nang naging update sa social media si Julia maliban na lang nung sumakabilang-buhay ang kanyang matalik na kaibigan kumakailan lamang na si Chokoleit na isang kumedyante. Gayunpaman, madami pa ding mga fans at followers ang naeexcite sa mga kaganapan nya sa buhay.

Source: Julia Montes/Instagram

 

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.