“Don’t judge the book by it’s cover.”,isa sa mga katagang alam na alam natin ngunit madalas hindi naman natin nagagawa. Hindi man sinasadya ngunit madalas ay nakasanayan na sa ating lipunan ang panghuhusga ng kapwa base sa pisikal na katangian at kaanyuan nito kagaya na lamang ng nangyari sa isang matanda na sinubukang pumasok sa tindahan ng mga mamahaling motorsiklo.

Nakilala ang naturang matanda bilang si Lung Decha isang retiradong mekaniko. Ayon sa mga kumakalat na usap-usapan sa social media pumunta di umano si Decha sa isang tindahan ng motorsiklo suot ang isang napakaluwag na damit at naka-tsinelas. Dahil dito ay inakala ng mga salesman sa loob ng tindahan na isa siyang pulubi at walang interest sa pagbili ng motorsiklo.


Nagpaikot-ikot si Decha sa loob ng tindahan at tinitingnan ang iba’t ibang klase ng motorsiklo. Sinubukan niya ding magtanong sa mga salesman patungkol sa detalye ng mga sasakyan ngunit kahit isa sa mga ito ay walang pumansin sa kanya. Hindi man pinalabas ng sapilitan sa tindahan ay nagdesisyon si Decha na lumabas na lamang at maghanap ng ibang tindahan na pagbibilhan niya ng motorsiklo.

(Courtesy: www.worldofbuzz.com)

Sa kabutihang palad ay may isang tindahan na tinanggap at inasikaso si Decha kagaya ng iba pa nilang customer. Natuwa ang matanda dahil hindi siya hinusgahan ng mga empleyado ng tindahan sa kabila ng kanyang kasuotan. Hinanap ni Decha ang kanyang pinaka-aasam na modelo ng motorsiklo at nagkataon naman na meron nito sa tindahan na kanyang pinasukan. Ang nasabing motorsiklo ay kilala sa tatak na Harley Davidson at nagkakahalaga ito ng 600,000 Baht o humigi’t kumulang 1.2 milyong peso! Nagulat ang manager at ibang empleyado ng tindahan ng sabihin ng matanda na bibilhin niya at binayaran pa ng cash ang motorsiklo.

(Courtesy: www.worldofbuzz.com)
(Courtesy: www.worldofbuzz.com)

Kasama noon ni Decha ang kapatid na babae sa pagbili ng nasabing motorsiklo at siya din ang kumuha ng mga larawan ng matanda na di kalaunan ay ibinahagi niya sa social media. Ayon sa kapatid na babae ni Decha matagal na nag-ipon ang matanda para lang mabili ang pangarap na motorsiklo. Samantala, napakamot naman sa ulo ang ilang salesman ng katabing tindahan ng makita nilang nakasakay na sa mamahaling sasakyan si Decha paalis ng lugar.

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.