“Ampon”, salitang masak!t sa tenga at hindi kaaya-ayang pakinggan dahil na rin sa negatibong kahulugan na ibinigay ng ating lipunan sa salitang ito. Ngunit ang katotohanan ay walang masama sa salitang “ampon” maging sa mga taong nakakaranas nito. Pinatunayan ito ng mga batang nabigyan ng maayos na buhay matapos silang ampunin ng mga bago nilang magulang at isa na nga sa mga batang ito si Yohan, panganay na anak ng aktres na si Judy Ann Santos.

Naging bukas sa publiko ang desisyon ng aktres sa pag-aampon ng batang babae dahil ito di umano ang kasagutan sa kaniyang panalangin. Ayon pa kay Judy Ann, matagal na niyang gustong magkaroon ng anak na babae kaya nanalangin siya na sana matupad ito kapag 26 taong gulang na siya.


“I know naman at some point, I could still have a child. It’s just that I so wanted a child, and I prayed. I prayed for years to have a baby girl. I’m very specific with my prayers. I want to have a baby girl at 26. And I got a call a week after I turned 26.”, pahayag ng aktres sa panayam ng PEP.

 

Yohan ang ibinigay na pangalan ni Judy Ann sa batang babae na natanggap niya mahigit isang linggo bago ang kaniyang ika-26 na kaarawan.

 

Sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng anak bago ikasal ay suportado naman ng kasintahan ng aktres na si Ryan Agoncillo kaya hindi naging problema ang pagpasok ni Yohan sa buhay ng magkasintahan. Ayon pa sa aktres, bago pa man sila ikasal ni Ryan ay nagkasundo na silang sabihin kay Yohan ang totoo kapag nasa tamang edad na ito.

Kaya naman, nagumpisang ipagtapat ni Judy Ann sa anak ang patungkol sa pag-aampon noong 4 o 5 taong gulang pa lamang ito. Naniniwala kasi ang aktres na mas magandang habang bata pa si Yohan ay malaman na nito ang totoo at madali niya lang itong matanggap sa paglipas ng panahon. Noong una ay hindi natutuwa ang bata sa mga sinasabi ng aktres at madalas itong magtampo ngunit habang tumatanda at nagkakaisip ay unti-unti nitong naunawaan ang sitwasyon. Wala din siyang naging problema sa pagtanggap ng katotohanan dahil kahit kailan ay hindi niya naramdaman na ampon siya ng mag-asawang Judy Ann at Ryan.

Sa kasakukuyan ay 14 taong gulang na si Yohan at hindi na siya naapektuhan kapag tinutukso siya ng ibang tao na ampon lang siya. Ito ay dahil na rin sa maayos na pagpapalaki sa kaniya ng mag-asawa.

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.