Ang buwan ng Marso at Abril ay panahon ng pagtatapos ng mga mag-aaral sa kolehiyo, sekondarya, at elementarya. Bawat isa ay may kanya-kanyang tatahakin landas, panibagong landas na magsasabi ng kanilang kinabukasan. Ang mga buwan ring ito ang naglalaman ng mga istorya ng pagbangon, pagpupursige at pagsisikap sa buhay. Marami kasi sa ating mga kabataan ngayon na pagkatapos ng sekondarya ay hindi na tumutuloy sa kolehiyo dahil sa hirap ng buhay.

Mayroon rin namang pinipilit magsikap para makapasok sa kolehiyo. Para kasi makaahon sa kahirapan ay kinakailangan nilang makapagtapos sa kolehiyo para magkaroon ng magandang trabaho. Ang iba nating mga kababayan, para matustusan ang kanilang pangkolehiyo ay ginagawa nila ang lahat. Ang iba’y pumapasok sa iba’t-ibang raket at ang iba’y nagwa-working student.

Katulad na lamang ng istorya ng estudyanteng ito na naging inspirasyon sa mga nagtapos ngayon. Isang nagngangalang Jay-Ar Cañete ang nag-viral sa social media nang malaman ng mga netizens ang kanyang istorya. Si Jay-Ar Cañete ay isang working student, siya ay nagtatrabaho bilang isang service crew sa isang brang ng Chowking sa Gaisano Mall sa Butuan City.

Sa isang post ng Sulit De-senyo na page, bahagi nito sa social media ang kuwento ni Jay-Ar at ng kanyang ama. Humingi ng tawad ang ama ni Jay-Ar dahil wala raw itong handang inihain para ipagdiwang ang pagtatapos ni Jay-Ar sa kolehiyo. Karaniwan kasi sa mga magsisipagtapos ngayon ay binibigyan ng kanilang pamilya ng magarbo ng selebrasyon. Pero dala nga ng kahirapan, hindi man lang nag paghahanda ng kahit simpleng pagkain ang ama ni Jay-Ar.

Pero imbis na magalit sa kanyang ama, hindi na ito naisip ni Jay-Ar dahil para sa kanya, mas importante raw ang makapagtapos siya at may maiuwing diploma para sa kanyang diploma. Gusto niya raw suklian ang lahat ng sakripisyo ng ginawa ng kanyang ama para lamang mabuhay sila at maitaguyod siya sa kolehiyo kahit papaano.

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.