Naaalala mo pa ba ang unang beses na ikaw ay humanga sa isang tao? Marahil ay dahil sa kaniyang panlabas na anyo o kaya naman ay sa magandang ugali o personalidad nito. Natural na ito sa nakararami satin dahil hindi rin naman talaga natin mapipigilan ang ating sarili na hindi humanga sa isang tao na nakapukaw sa ating interes at atensyon.


Ngunit hindi lamang tayong mga normal na indibidwal ang nakararanas ng paghanga na ito. Maging ilan sa mga iniidolo nating mga artista ay may mga hinahangaan din. Isa na marahil dito ay ang bida ng “FPJ’s: Ang Probinsiyano” na si Coco Martin.


Ang labing-limang taong gulang na anak ng dating action star na si Roy Vinzon ang hinahangaan ng “Prince of Indie Films” na si Coco Martin. Siya ay si Lala Vinzon na sumali noon sa programa ng Kapamilya network na “The Voice Teens” kung saan siya ay naging parte ng Camp Kawayan ni Bamboo. Ang tinanghal na kampeoon noon ay mula sa Team Sarah na si Jona Marie Soquite. Bagamat hindi siya pinalad na magwagi ay napamangha niya pa rin ang publiko sa ganda ng kaniyang boses.


Dahil nga sa kaniyang husay ay naimbitahan siyang kumanta sa “Ang Probinsiyano” dahil na rin kay Joross Gamboa. Siya ay mula sa Mexico, Pampanga at kasalukuyang kabilang sa grupo ng programang ASAP kasama sina Ylona Garcia, Jayda Avanzado, Kyle Echarri, Jeremy Glinoga at Darren Espanto. Marami din ang humanga sa kaniyang pag-arte ng siya ay lumabas sa “Ang Probinsiyano” dahil na rin sa sobra ang paghanga ni Coco Martin sa kaniya.

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.