Kahit na hilaw o hinog na mangga, marami ang may paboritong kainin yan. Masarap na panghimagas o meryenda ang mangga. Marami rin itong benepisyo na naidudulot sa ating kalusugan.
1. Tumutulong sa ating resistensya. Mayaman ang mangga sa beta-carotene at ang sobra nito ay nagiging vitamin A na isang mahalagang antioxidant na pumoprotekta sa ating katawan laban sa iba’t-ibang sakit. Mayaman din ang mangga sa vitamin C na kilalang pangunahing tumutulong sa ating resistensya.
2. Mayaman sa fiber na nakakatulong sa digestion ng ating mpagkain. Dahil sa dietary fiber, mas madaling nating mailabas ang mga dumi na naiipon sa ating katawan.
3. Mahalaga sa kalusugan ng ating mga buto. Mayaman din ang mangga sa vitamin K na mahalaga upang mapigilan ang mabilis na pagkasira ng ating mga buto. Ang vitamin K din ang tumutulong upang maimprove ang pag absorb ng ating katawan ng calcium na mahalaga sa kalusugan ng ating buto.
4. Mahalaga sa kalusugan ng ating mga mata. Dahil sa beta-carotene content ng mangga na mahalaga sa kalusugan ng ating mga mata.
5. Mahalaga sa ating mga kidney. Ang mangga ay may katangiang diuretic na tumutulong upang mailabas nating maiigi ang sobrang salt at fliud na hindi kailangan ng ating katawan

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.