Ang Malunggay ay tinatawag na isang miracle tree na kalimitang tumutubo sa mga bansang may tropikal na klima, tulad na lamang ng Pilipinas. Ang malunggay ay kilalang ginagamit sa pagluluto at sa herbal na medisina dahil sa mga sustansyang makukuha rito.

Pinatunayan ng mga eksperto na ang malunggay ay maraming sustansya at bitamina na mainam sa katawan ng isang tao at mabisang nakapagpapagaling ng mga karamdaman. Sa ngayon, ang malunggay ay tinaguriang miracle tree at ginagamit sa larangan ng medisina, simula sa ugat nito hanggang sa mismong katawan ng puno, sanga, dahon, bulaklak at maski na rin ang buto nito.

Ang pinaka ginagamit na parte ng malunggay ay ang mga dahon nito dahil siksik ito sa mga bitamina tulad na lang ng Vitamin C, A- beta carotene, vitamin K, manganese at protein. Ginagamit din sa pagluluto ang malunggay leaves na napaka husay lalo na sa mga buntis. Dahil napaka daming pwedeng pag-gamitan ng malunggay, mahusay din itong panlaban sa iba’t ibang klaseng sak!t.

Narito ang ibang halimbawa ng mga karamdaman na maaaring gumaling sa pamamagitan ng regular na pag kain ng malunggay:

  1. Panlaban sa M@lnutrisyon

Kilala sa larangan ng medisina ang kakayahan ng malunggay na malabanan ang malnutrisyon lalo na sa mga s@nggol, b@ta o sa mga babaeng nagdadalang tao. Ginagamit ang malunggay leaves sa mga feeding programs para ipakain sa mga tao. Maaari ring patuyuin ang mga dahon nito at gawing supplement dahil sa taglay nitong minerals.

  1. Pampagatas sa mga buntis

Ang mga babaeng nag dadalang tao ay nararapat na kumain ng malunggay upang ang kanilang gatas ay maging masustansya. Isa itong paraan upang maagapan ang m@lnutrisyon na napaka dalas makikita sa mga s@nggol at b@ta. Ang nutrisyon na makukuha sa malunggay ay isa sa mga dahilan kung bakit nakakapag labas ng mas maraming gatas ang isang nanay.

  1. Pampalakas ng resistensya

Nakakapag-palakas ng resistensya ng katawan ang kadalasang pagkain ng malunggay. Ang natural na pagkain ng dahon nito ay mas mainam kaysa sa pag bili ng mga supplements at vitamins sa merkado.

  1. Pantanggal ng sak!t ng ulo

Dahil siksik sa Vitamin A and C ang malunggay, mainam ito na pantanggal ng nararanasang pananak!t ng ulo. Maaaring inumin ang katas ng dahon ng malunggay upang matanggal ang sak!t na nararamdaman.

  1. Gamot sa Ulc3r

Ang taglay na amino ac!ds ng malunggay ay sinasabing mahusay na gamot para sa mga taong may ulc3r o gastritis. Maaaring uminom ng nilagang dahon ng malunggay para mapagaling ang ulc3r o sak!t sa tiyan.

 

  1. Gamot sa Rayuma

    Ang malunggay ay nagtataglay nguamino acid na histidine na nakakatulong pagalingin ang rayuma.Maaaring gamitin ang dahon ng malunggay at ang mga buto nito upang ipang tapal sa masak!t na parte ng katawan. Ang vitamin B1 na taglay din ng malunggay ay mabisa para sa rayuma.
  1. Gamot sa Sugat

Isang benepisyo din ng malunggay ay ang kakayanan nito mapabilis ang paghilom ng sugat. Ang dinikdik na dahon na hinalo sa langis ay mabisang pang pahilom ng sugat.

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.