Sa panahon talaga ngayon, marami na ang kung ano-anong nilalagay sa mga pagkain upang mas maging presentable lang ang mga ito. Ayon nga sa kasabihan, “looks can be deceiving” ika nga. Sa unang tingin akala mo ito ay masarap dahil kaaya-aya itong tignan, ngunit kung sisiyasating mabuting ito pala ay nakakasama sa kalusugan.
Tulad na lamang ng ginagawang paraan na ito upang maging makintab at mukhang fresh ang mga mansanas na ibinebenta sa merkado. Ito ay ang pagbabalot ng mansanas gamit ang wax. Ginagawa ito upang maprotektahan ang mansanas sa mga mirkrorganismo at para manatili itong mukhang fresh.
Upang maibalik ang kinang ng mansanas, ang ibang mga sellers ay naglalagay ng tinatawa na ‘edible coating’ upang mas maging attractive ang mansanas.
Paano malalaman kung may wax ang nabiling mansanas?
 
May mga pagkakataon na kapag sobrang kintab ang mansanas maaaring binalutan ito ng wax. Ngunit mayroon pang ibang paraan upang malaman kung ito ay may wax.

 

  1. Gamit ang kutsilyo, i-scratch ang ibabaw na bahagi ng balat ng mansanas. Kung mayroong nakukuhang puti-puti ito ay ang wax.
  2. Ikaskas ang mansanas sa inyong palad. Kapag mayroong puting parang pulbo na naiwan sa inyong kamay, ito ay ang wax coating.
Ang wax na ginagamit na pambalot sa mga prutas tulad nito ay food grade wax. Maaaring ito ay gawa sa beeswax, carnauba wax, shellac, o petroleum jelly. Ngunit kahit na sinabing ito ay edible synthetic coating, hindi pa rin ito maganda para sa katawan lalo na kapag nakain ng maramihan.

 

Ano ang epekto ng wax sa ating katawan?
 
Ang synthetic wax na nilalagay sa mga mansanas ay hindi madaling matunaw sa katawan. Ang mga hindi naabsorb na wax na ito ay naiiwan sa ating maliliit na bituka at maaaring makapagdulot ng mga digestive issues. Maaari rin itong magdulot ng:
  • ulser sa linya ng loob ng iyong tiyan at bituka
  • imp*syon sa iyong tiyan
  • problema sa pantunaw
  • respirat0ry problems
Mga Paraan Para Tanggalin Ang Wax Sa Mansanas
 
1. Apple Cider Vinegar
 
Gamit ang isang tela, punasan ang mansanas na may apple cider vinegar solution. At pagkatapos ay maaari ng hugasan ito at kainin.
2. Baking soda at katas ng lemon
 
Maghalo ng 1 kutsaritang baking soda at katas ng lemon sa tubig. Ibabad ang mansanas sa mixture na ito at kuskusin gamit ang tela. Hugasan gamit ang malinis na tubig.
3. Paghugas gamit ang mainit na tubig
 
Ibabad ang mansanas sa mainit na tubig ng ilang segundo upang matunaw at matanggal ang wax. Alisin ang mansanas sa tubig at saka hugasan ito gamit ang running tap water.
4. Suka
 
Kung kayo ay walang apple cider vinegar, maaari rin namang gamitin ang inyong puting suka. Gamit ang isang tela, basain ito ng suka at ipangkuskos ito sa mansanas. Hugasan pagkatapos.

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.