Isa sa mga problemang pangkalusugan lalo na ngayon ang mabilis na paglabo ng ating mata. Ito ay nakakaapekto mapa bata man o matanda dahil sa taas ng epekto ng radiation mula sa araw at iba pang electronic devices.
Kaya hangga’t maaga alamin na ninyo kung ano ang nagigin sanhi ng paglabo ng ating mga mata!
1. Paggamit ng eyedrops na walang prescription ng doktor
 
Ang mga eyedrops ay hindi dapat basta basta ipinapatak sa mata na hindi ito naikukonsulta sa iyong doktor. Dahil ang mga ito ay nagtataglay ng mga gamot na hindi ka naman sigurado kung para talaga ito sa iyong karamdaman sa mata ito.
2. Pagkonsumo ng sobrang wheat
 
Ang pagkain ng wheat ay nakakapagpataas ng insulin levels ng katawan. Ito rin ang nagiging dahilan kung bakit ang eyeball ay nababanat kaya nagiging short sighted.
3. Paggamit ng eye cosmetics o make-up ng matagal
 
Ayon sa espesyalista sa mata, recommended na huwag ng gamitin pa ang mga make-up o eye products na lumagpas na ng tatlong buwan. Ang rason nito ay simple, dahil ang bakterya ay maaaring mabuo na sa mga ito ay baka magdulot pa ng imp*ksyon sa mata.
4. Hindi pag-inom ng sapat na tubig
 
Ang hindi pag-inom ng sapat na tubig ay nagreresulta sa dehydration. At kapag ang katawan ay dehydrated, maging ang mata ay natutuyo rin. Hindi ito maganda dahil pwede itong makasira sa surface ng atin mata.

 

5. Hindi paggamit ng sunglasses o shades kapag nasa araw
 
Ang matinding sikat ng araw ay nakakasira sa ating mga mata. Ang ultraviolet radiation ng araw ay pwedeng magdulot ng eye damage, macular degeneration, cataracts, at maging temporary vision loss. Kaya kung lalabas ng bahay sa umaga, siguraduhing magsuot ng sunglasses o shades upang maprotektahan ang mga mata.
6. Hindi pagkakaroon ng sapat na tulog
 
Ang ating mga mata, kailangan din ng tamang pahinga dahil ang mga ito ay naiistress din kapag nagamit ng matagal. Kapag hindi ka nagkakaroon ng sapat na tulog, mararamdaman ang pagkapagod ng mga mata na maaaring magresulta sa unfocused vision, eyebags, at pagkirot nito.
7. Pagkukusot ng mata
 
Kadalasan kapag napagod ang ating mga mata ay kinukusot natin upang magkaroon ng kaginhawaan. Ngunit ang habit na ito ay temporary lamang. At kapag madalas mong ginagawa ito, maaaring ma-damage ang iyong cornea.
8. Hindi pagtanggal ng contact lens bago matulog
 
Ang ating cornea ay nakatanggap ng oxygen na galing sa hangin kapag tayo ay gising at nagkakaroon ng moisture sa ating mga luha kapag tayo ay tulog. Ngunit kung suot-suot mo ang iyong contact lens sa loob ng 24 oras, hindi magkakaroon ang iyong mata ng sapat na oxygen at moisture kaya mas mapapabilis ang pagkasira nito.
9. Malapitang paggamit ng mga gadgets o computer
 
Ang radiation na ineemit ng mga electronic devices ay may malaking impact sa pagkasira ng mata. Kaya mas makakabuti kung bawasan ang paggamit ng mga ito o kung hindi naman ay huwag itong itutok ng malapit sa mata.

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.